Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at ASEAN Economic Community (AEC)
Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay isang regional economic forum na itinatag noong 1989 upang pakinabangan at lalong paigtingin ang lumalagong pagtutulungan sa Asya-Pasipiko.
Ang layunin ng 21 miyembro ng APEC ay makagawa ng higit na kasaganaan para sa mga tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng balanse, kumpleto, napapanatili, makabago, at tiyak na paglago at sa pamamagitan rin ng pagpapabilis sa panrehiyong integrasyong pang-ekonomiya.
Tinitiyak ng APEC na ang mga kalakal, serbisyo, puhunan, at mga tao ay madaling makakalipat sa kabila ng mga hangganan. Pinapadali ng mga miyembro ang kalakalan sa pamamagitan ng mas mabilis na mga customs procedures sa mga hangganan; mas kanais-nais na kondisyon para sa negosyo sa mga hangganan; at paghahalayhay (aligning) sa mga regulasyon at pamantayan sa buong rehiyon.
Halimbawa, ang mga pagkukusa ng APEC upang gawing magkapanabay ang mga sistema ng regulasyon ay isang mahalagang hakbang upang magkaroon ng integrasyon sa ekonomiya ng Asya-Pasipiko.
Kumikilos ang APEC upang tulungan ang lahat ng mga residente ng Asya-Pasipiko na makilahok sa lumalaking ekonomiya. Halimbawa, ang mga proyekto ng APEC ay nagbibigay ng pagsasanay sa mga digital na kasanayan para sa mga rural na komunidad at tumutulong sa mga katutubong kababaihan na iluwas ang kanilang mga produkto sa ibang bansa.
Kinikilala ang mga epekto ng climate change (
effects of climate change), ang mga miyembro ng APEC ay nagpapatupad rin ng mga hakbangin upang madagdagan ang kahusayan ng enerhiya at itaguyod ang napapanatiling pangangasiwa sa mga mapagkukunang-yaman sa kagubatan at karagatan.
Ang forum ay umaakma upang mapahintulutan ang mga miyembro na harapin ang mga mahahalagang bagong hamon sa pang-ekonomiyang kagalingan ng rehiyon. Kabilang dito ang pagtiyak ng katatagan sa kalamidad, pagpaplano para sa pandemics, at pagtugon sa terorismo. (Kaugnay:
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan)
Ang 21 na ekonomiyang kasapi ng APEC ay ang Australia; Brunei Darussalam; Canada; Chile; People's Republic of China; Hong Kong, China; Indonesia; Japan; Republic of Korea; Malaysia; Mexico; New Zealand; Papua New Guinea; Peru; The Philippines; The Russian Federation; Singapore; Chinese Taipei; Thailand; United States of America; at Viet Nam.
Ang pagtatatag ng ASEAN Economic Community (AEC) noong 2015 ay isang mahalaga at pambihirang tagumpay sa adyenda ng panrehiyong pagsasama ng ekonomiya sa ASEAN. Ito ay nag-aalok ng mga oportunidad sa anyo ng isang malaking merkadong nagkakahalagang US $ 2.6 trilyon at higit sa 622 milyong katao.
Noong 2014, ang AEC sa kabuuan ay ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa Asya at ang ikapitong pinakamalaki sa mundo.
Itinatag ng Association of Southeast Asian Nations, ang AEC ay itinuturing na isang paraan upang itaguyod ang kooperasyong pang-ekonomiya, pampulitika, panlipunan, at pangkultura sa buong rehiyon.
Ang ideya ay upang iangat ang Timog-Silangang Asya patungo sa isang merkado at himpilan ng produksiyon na kayang makipagkumpitensiya sa mundo, na may malayang daloy ng mga kalakal, serbisyo, paggawa, pamumuhunan, at kapital sa buong sampung estadong miyembro.
Ang pananaw ng AEC para sa mga susunod na taon, na inilatag sa AEC Blueprint 2025, ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
(1) isang lubos na magkasama at matatag na ekonomiya;
(2) isang mapagkumpitensya, makabago, at aktibong ASEAN;
(3) Pinahusay na pagkakakonekta at sektoral na pakikipagtulungan;
(4) matibay at malawak na rehiyon na nakatuon at nakasentro sa tao; at
TANONG PARA sa TALAKAYAN:
Nakatutulong ba ang APEC at ASEAN sa Pilipinas? Patunayan ang iyong sagot. Use hashtags: #APEC #ASEAN #JensEnismo #[YourSchool]