Mga Katangian ng Mabuting Pamumuno at Pamahalaan
Upang magkaroon ng mabuting pamumuno, may mga katangiang dapat taglay ang isang pinuno tulad ng mga sumusunod:
-Matalino at mahusay ang pamumuno
-Mapagpakumbaba
-Matapat
-Marunong makiisa at makisalamuha sa mga nasasakupan
-Responsable at may pananagutan
-May disiplina sa sarili
-Naninindigan sa katotohanan
-Huwaran at modelo ng mabuting gawa
-Walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas
-Inuuna ang kapakanan at mga pangangailangan ng mga taong nasasakupan at nagsasagawa at nagpapatupad ng mga proyekto para sa kanilang mga pangangailangan.
Ano ang halaga ng mabuting pamahalaan at pamumuno?
Ang Halaga ng Pamahalaan
Narito ang mga maidudulot ng mabuting pamumuno o pamahalaan:
- Magiging mapayapa ang komunidad.
- Mapakikinggan ang tinig ng mga nasasakupan at mabibigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang mga pangangailangan.
-Magkakaroon ng pag-unlad sa negosyo at kalakalan sapagkat maayos ang mga sistema kaya maraming maaakit na mamuhunan
-Madaragdagan ang kita ng komunidad kapag marami ang mamumuhunan, dadami ang hanapbuhay at bababa ang bahagdan ng kahirapan
-Magagamit ang pera ng komunidad para sa kabutihan at pangangailangan ng mamamayan
-Kapag mabuti ang pamumuno, magagamit nang maayos ang mga pondo sa tunay at pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng mga pagpapagawa ng kalsada na magpapadali sa pagdadala ng mga produkto patungo sa mga pamilihan. (Ituloy ang pagbasa sa:
Ang Pamahalaan at ang Pamumuno sa Komunidad)
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com