Ang Mga Tungkulin ng mga Mamamayang Pilipino
Ang bawat mamamayan ay may mga karapatan at mga tungkulin.
Ang tungkulin ay tumutukoy sa moral o legal na obligasyon o responsibilidad. Kalakip dito ang mga gawain o aksyon na kailangang gawin ng isang tao.
Panuorin: Pagkilala sa Pagkabukod tangi ng Lahing Pilipino
Ayon sa Article V (Duties and Obligations of Citizens) Section 1 ng 1973 Constitution of the Republic of the Philippines: Tungkulin ng mamamayan na maging tapat sa Republika at parangalan ang watawat ng Pilipinas, ipagtanggol ang Estado at mag-ambag sa pag-unlad at kapakanan nito, itaguyod ang Saligang Batas at sundin ang mga batas, at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagtatamo at pangangalaga ng isang makatarungan at maayos na lipunan.
Pansinin na bahagi ng tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ang “mag-ambag sa pag-unlad at kapakanan nito” tungo sa pagtatamo ng ng “isang makatarungan at maayos na lipunan.” Kung gayon, tungkulin natin ang lumahok sa mga gawaing pansibiko at civic engagement.
Ano ang mga gawaing pansibiko sa komunidad?
Ang gawaing pansibiko ay ang mga pormal o di pormal na mga gawain na kaugnay ng pagkamamamayan o pagiging bahagi ng isang komunidad.
Mahalaga na ang mga kasapi ng komunidad ay magkaroon ng partisipasyon o pakikilahok sa mga gawaing pansibiko o mga gawaing makabubuti ng pamumuhay sa komunidad. Ang tawag dito ay civic engagement.
Ang civic engagement ay tumutukoy sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko. Ito ay isang paraan upang ipakita ang pagtutulungan upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa komunidad. Sinasalamin nito ang personal na obligasyon o pananagutan ng isang tao upang paunlarin ang komunidad na kinabibilangan niya.
Ang mga sumusunod ay ilang mga tungkulin ng mga mamamayang Pilipino at mga halimbawa ng gawaing pansibiko o mga gawaing pinagtutulungan ng mga kasapi ng komunidad para sa ikabubuti nito:
Ang pagbabayad ng buwis ay pananagutan ng isang mamamayan o miyembro ng komunidad. Ang buwis ay presyong binabayaran para sa isang sibilisadong lipunan. Ang perang nakukuha sa pagbabayad ng buwis ay ginagamit naman ng pamahalaan upang maisakatuparan ang marami nitong pananagutan tulad ng pagkakaloob ng serbisyo at paglilingkod sa mga mamamayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
Ito ang mga mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tulad nang kapag may biktima ng baha, sunog at iba pang mga kalamidad o sakuna.
Ito ay maaaring pagboboluntaryo para sa tree planting o pagtatanim ng puno at halaman para sa kalikasan, paglilinis o , area cleaning o clean up drive , serbisyong panlipunan para sa matatanda at mahihirap, feeding program sa mga bata, at day care center.
Ang pagkalap ng pondo o fund-raising ay madalas ginagawa sa mga anyo ng WALK at RUN para sa iba’t-ibang kadahilanan at mga pagkakawanggawa o charity.
Pagbili ng mga produktong gawa sa sariling komunidad upang makadagdag sa kita o pondo ng komunidad.
Pagtulong sa paglulunsad ng mga livelihood o financial seminars na makakatulong sa mga tao sa komunidad na nangangailangan ng pagkakakitaan.
Ang mga professionals sa larangan ng medisina ay hinihikayat ng makilahok sa ganitong mga gawain. Karaniwang nagbibigay ng mga libreng medical at dental check-up at gamot sa ganitong mga medical at dental missions.
Copyright © by Jens Micah de Guzman & Marissa Eugenio/OurHappySchool.com