Ang Mga Pinagmumulan Ng Mga Alalahanin (Stress) At Ang Mga Epekto Nito

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga pinagmumulan ng mga alalahanin at nailalarawan ang mga epekto nito sa buhay ng tao
 
Ang stress ay may malakas na epekto sa ibat-ibang aspeto ng buhay ng mga tinedyer.

Naaapektuhan nito ang kanilang kondisyon, antas ng enerhiya, relasyon at pagganap sa mga gawain, at nakakapagdulot din ito at nagpapalala ng mga kondisyong pangkalusugan.

 
Kaya makatutulong sa mga nagbibinata/nagdadalaga na magkaroon ng kaalaman tungkol dito upang ito ay mapamahalaan o makaya.
 

Aktibidad: ‘Stress, Saan Ka Nagmula?’

Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong tukuyin ang mga pinagmumulan ng stress o alalahanin upang maunawaan ng mga mag-aaral ang epekto nito sa buhay ng tao.
 
Materyales:
Panulat (ballpen)
 
Pamamaraan:
Nasa ibabang talahanayan ang mga karaniwang pinagmumulan ng stress ng isang nagbibinata/nagdadalaga maging ang mga epekto nito sa buhay nila. Tukuyin kung ano sa palagay mo ang kasalukuyan mong nararanasan o naranasan na sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek dito. Kung mayroon pang iba, isulat ang mga ito sa bahaging blangko sa ibaba.
 
Pinagmumulan ng Stress
Epekto
Lagyan ng tsek kung naranasan na o kasalukuyang nararanasan
 
 
Paaralan (mga gawain sa paaralan, kompetisyon sa pag-aaral, paghahanap ng magandang unibersidad, mga balakin pagtapos ng high school)
 
 
- Apektado ang mga grado
-Depresyon
-Nerbiyos, pagkabalisa
-Sakit ng ulo
 
 
 
Pinansiyal (problema sa salapi sa pamilya)
 
 
-Epekto sa kalusugan (sakit ng ulo, diarrhea, pagsusuka
-Depresyon, panic
-Di pagkatulog, pagkabalisa
 
 
 
Magulang/Pamilya (ugnayan sa magulang)
 
 
-Depresyon (pagkalungkot, pagbukod)
-Pagkabalisa
-Maaring magresulta sa pagrerebelde o agresyon
 
 
 
Barkada (presyur ng mga kaibigan, presyur na makibagay)
 
 
-Presyur sa paggamit ng alcohol, sigarilyo at droga
-Presyur na makisali sa mga
mapanganib na aktibidad
-Drastikong pagbabago sa kilos at pag-uugali
 
 
 
Romantikong relasyon (pagkakasangkot sa relasyon, o di pagkakaroon ng karelasyon)
 
 
-Depresyon
-Distraksiyon sa pag-aaral, pagbaba ng grado
-Epekto sa pangagatawan, pagkawalang gana sa pagkain
 
 
 
Pisikal na pagbabago sa pangangatawan
 
 
-Negatibong pag-iisip, di masaya sa pigura ng katawan
- Taghiyawat
-Pagkakasakit
-Mababang self-esteem
 
 
 
Kakulangan sa oras (hindi marunong sa time management)
 
 
-Di magandang pagganap o performance sa paaralan
-Pagkalito
-Sakit pangkalusugan
 
 
 
Malungkot na pangyayari (pagkawala ng mahal sa buhay)
 
 
-Epekto sa kalusugan, emosyonal at sikolohikal na aspeto.
-Trauma
 
 
 
Pagbabago sa buhay (biglaang paglipat ng tirahan, pagbabago sa sitwasyon ng pamilya tulad ng ‘mixed’ o ‘blended) na pamilya
 
 
- Depresyon, pagkamalungkutin
-Pagbabago sa pakikihalubilo sa ibang tao
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Naunawaan mo ba kung saan nagmula ang stress at ang mga epekto nito sa mga nagbibinata at nagdadalaga?
2. Ano ang natutuhan mo sa gawaing ito?
 
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
 
Kaugnay:
 

Add new comment

Sponsored Links