Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay na ang pag-unawa sa kaliwa at kanang bahagi ng utak ay nakatutulong sa pag-unlad ng pagkatuto
Ito ay ukol sa mga kakayahan ng isip.
Kung ikaw ay isang nagdadalaga o nagbibinata, inaasahan na iyong maipamamalas ang iyong pagkaunawa ukol sa teorya ng kabuuan ng utak ng tao o ng pangingibabaw ng kalahating bahagi ng utak.
Inaasahan din na iyong maisasagawa ang pagtukoy ng mga paraan upang mapaunlad ang iyong pagkatuto gamit ang kaliwa at kanang bahagi ng iyong utak.
Sa yugto o panahon ng pagbibinata/pagdadalaga, ang utak ay sumasailalim sa mga pangunahing transisyon. Nagaganap rito ang mga pagbabago na may makabuluhang epekto sa pagkatuto at pag-uugali ng tao.
Mahalaga na nauunawaan ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang ilan sa mga teorya tungkol sa mga gampanin ng utak at ang mga aplikasyon nito sa pagpapadali at pagpapabuti ng pag-aaral.
Ang teorya ng kaliwa at kanang utak ay nakabatay sa paniniwalang ang bawat parte nito ay may magkaibang tungkulin.
Sinasabing sa bawat tao, may isang parte ng utak na mas dominante. Magandang magkaroon ng kaalaman tungkol sa teoryang ito na maaring may kaugnayan sa pag-unlad ng pagkatuto.
Aktibidad: Ang Dalawang Bahagi ng Utak ng Tao
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong mailarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang dalawang parte ng utak ng tao.
Materyales:
Bond paper o papel, pangguhit at pangkulay na mapipili ng mag-aaral.
Pamamaraan:
Gumawa ng malikhaing pagguhit ng konsepto ng teorya ng ‘left’ at ‘right’ brain. Ipakita ang isinasaad ng teorya na mga tungkulin ng kaliwa at kanang utak. Sa ibaba ng papel, banggitin kung aling bahagi ng utak ang dominante sa iyo at ipaliwanag kung bakit. Gamitin ang natutunan sa Takdang Aralin.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahirap bang iguhit ang utak ng tao?
2. Ano ang natutuhan mo sa gawaing ito?
Takdang Araling Online:
1. Mag-online sa AlaminNatin.com (o sa OurHappySchool.com o sa MyInfoBasket.com). Gamit ang search engine nito, hanapin ang artikulong “Ang Kaliwa at Kanang Bahagi ng Utak.” Basahin ang lektura.
2. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, banggitin kung aling bahagi ng utak ang dominante sa iyo at ipaliwanag kung bakit. Gumamit ng hashtag na: #DalawangBahagiNgUtak #MautakAko
3. Mag-imbita ng tatlong kaibigan o kamag-anak (mga malapit sa iyo) upang magsulat sa post mo kung sang-ayon sila o hindi sa iyong naging pagtasa sa iyong sarili. I-print ang inyong naka-post na sagutan at ipasa sa guro.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment