Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay ang mga hinaharap na hamon sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata upang mabigyang linaw at mapamahalaan ang mga pangyayaring kaakibat ng pagiging tinedyer.
Mabuting malaman ang mga espisipikong hamon sa bawat yugto ng pagbibinata at pagdadalaga.
Dahil dito, matatantiya ng isang tinedyer kung unti-unti na niyang natutugunan ang mga hamong ito.
Aktibidad: Ang Mga Hamon sa Pagbibinata/Pagdadalaga
Layunin:
Matukoy ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang iba’t-ibang partikular na hamon para sa iba’t-ibang yugto ng pagbibinata/pagdadalaga.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Gumawa ng sanaysay (
essay) ukol sa buod ng mga espisipikong hamon para sa dalawang yugto ng pagbibinata/pagdadalaga.
Talakayin din kung alin sa mga hamong ito ang sa tingin mo ay mahihirapan kang ipasa.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Bakit mahalagang malaman ang mga espisipikong hamon sa bawat yugto ng pagbibinata/pagdadalaga?
2. Nakapansin ka ba ng mga hamon na kasalukuyang pinagdaraaanan mo?
3. Mahirap bang gawin ang sanaysay? Anu-ano ang natutunan mo sa aktibidad na ito?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Basahin din:
Add new comment