Mga Konsepto ng Kalusugang Pangkaisipan At Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being) Sa Panahon Ng Pagdadalaga/ Pagbibinata

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng kalusugang pangkaisipan at sikolohikal na kaayusang pangkatauhan sa araw-araw na obserbasyon tungkol sa mga suliraning pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata.
 
Kung ikaw ay isang nagbibinata o nagdadalaga, inaasahan na iyong maipamamalas ang iyong pagkaunawa sa mga konsepto tungkol sa kalusugang pangkaisipan at kaayusang pangkatauhan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata.
 
Inaasahan din na iyong maisasagawa ang pagtukoy sa iyong mga kahinaan (vulnerabilities) at makakagawa ka ng plano upang manatili ang iyong kalusugang pangkaisipan.
 
Ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan ng kaisipan at kaayusang pangkatauhan ng mga nagbibinata/nagdadalaga ay kasinghalaga ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.
 
Ang mabuting kaisipang pangkalusugan ay nagpapahintulot sa mga nagbibinata/nagdadalaga na mapaunlad ang katatagan upang makayanan ang anumang ipupukol ng buhay sa kanila at lumaking mga malulusog na indibidwal na may sapat na gulang.
 

Aktibidad: Recitation ukol sa Karaniwang Suliraning Pangkalusugan

Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na mapag-aralan ang isang karaniwang suliraning pangkalusugan ng mga nagbibinata/nagdadalaga.
 
Pamamaraan:
Ang mga mag-aaral ay pipili ng isa sa mga suliraning pangkalusugang tinalakay. Gamitin ang natutunan sa takdang aralin.
 
Talakayan/Pagbabahagi:
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magpaliwanag sa napiling suliraning pangkalusugan at kung paano niya ito maiiwasan. Gamitin sa pagpapaliwanag maging ang natutunan sa takdang aralin.

Takdang Araling Online:

1. Mag-online sa AlaminNatin.com (o OurHappySchool.com o MyInfoBasket.com). Gamit ang search engine nito, hanapin ang artikulong “Karaniwang Sakit na Mental sa Panahon ng Pagbibinata/Pagdadalaga.” Unawain ang lektura.
2. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, (a) bumanggit ng isa sa mga suliraning pangkalusugang tinalakay sa artikulo at (b) ipaliwanag kung paano mo ito maiiwasan. Gumamit ng hashtag na: #KayaKoIto #HaharapinKo
3. Mag-imbita ng tatlong kaibigan o kamag-anak (mga may malasakit sa iyo) upang magsulat sa post mo ng mga payo kung paano maiiwasan ng mga kabataan ang tinalakay mong suliraning pangkalusugan. I-print ang inyong naka-post na sagutan at ipasa sa guro.
 
 
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
 
Kaugnay:

Add new comment

Sponsored Links