Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mind-mapping techniques na nararapat sa dalawang uri ng pagkatuto ng tao.
Ang mind map ay isang simpleng dayagram na ginagamit upang biswal na maglarawan o magbalangkas ng impormasyon.
Ito ay isang mabisang pamamaraan upang isalin ang nasa isipan mo patungo sa isang biswal na larawan.
Tinutulutan nito na iayos at ipaintindi ang mga imporasyon nang mas mabilis at mabisang paraan.
Sinasanay nito ang tao na uriin ang mga detalye sa mapa at kilalanin ang pagkakaugnay ng mga ito.
Aktibidad: Ano ang Mind Map?
Layunin:
Magkaroon ng kaalaman ang mga nagbibinata/nagdadalaga tungkol sa mind map.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper, manila paper o cartolina para sa presentasyon.
Pamamaraan:
Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa mga grupo. Bawat grupo ay magsasaliksik tungkol sa mind map at kung paano gawin ito. Sa susunod na pagkikita ay ipapakita ang resulta ng kanilang pagsasaliksik at magdadala ng sariling-likhang halimbawa ng mind map.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Naliwanagan ka ba sa pagsasaliksik mo ng iyong grupo tungkol sa mind map?
2. Sa palagay mo, maganda bang matutunan ang paggawa ng mind map para sa pag-unlad ng pagkatuto?
3. Ano ang natutunan mo sa gawaing ito?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment