Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga sariling kahinaan
Ang panahon o yugto ng pagbibinata/pagdadalaga ay karaniwang inilalarawan na mapanganib, isang bagay na dapat makontrol o mapamahalaan.
Sa panahong ito lumalabas ang kanilang mga kahinaan sa maraming bagay lalo na ukol sa mga problemang pangkalusugan ng kaisipan at sa mga pagsali sa mga peligrosong gawain.
Mahalagang maging maalam sila sa mga kahinaang ito upang malaman kung ano ang maari nilang gawin at kung paano masusuportahan ang kanilang pag-unlad.
AKTIBIDAD: “Ang Aking mga Kahinaan”
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na tukuyin ang mga kahinaan ng mga nagbibinata/nagdadalaga o ang potensiyal na paglahok sa mga mapanganib na aktibidad at sa inklinasyon na magkaroon ng ilang mga mental na karamdaman gaya ng depresyon.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Hahatiin sa mga grupo ang klase. Bawat grupo ay magtatalakayan at pipili ng isang kahinaan o potensiyal na paglahok sa mga mapanganib na aktibidad o inklinasyon na magkaroon ng ilang mga mental na karamdaman gaya ng depresyon. Ang mga grupo ay magpaparamihan ng maililistang pamamaraan kung paanong hindi mahuhulog ang mga kabataan sa napiling kahinaan. Bawat grupo ay magtatakda ng lider o kinatawan na mag-uulat sa klase.
Talakayan/Pagbabahagi:
Tatawagin ng guro ang lider ng bawat grupo upang mag-ulat. Dapat na nakahanda ang bawat lider na sagutin ang tanong ng guro o ng ibang grupo.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment