Personal Na Paraan Ng Pagtugon Sa Mga Alalahanin

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipakikita ang personal na paraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay
 
Ayon sa mga eksperto na ang paghinga ng malalim ay isa sa mga mabuting paraan upang mapababa ang stress sa katawan.
 
Sa paghinga ng malalim, naipaparating sa ating utak na huminahon at magrelaks na siya namang magsasabi sa katawan na pumanatag.
 
Kapag ang isang tao ay naiistress, karaniwan ay tumataas ang pintig ng puso, bumibilis ang paghinga, at tumataas ang presyon. Ang paghinga ng malalim ay makakatulong sa pagrerelaks, pagbawas ng tensiyon, at pagpapahupa ng istress.
 
Ito ay madaling matutunan at magagawa kahit kailanman mo naisin. Di rin ito mangangailangan ng mga espesyal na kagamitan upang gawin. Subukang gawin ito kapag naiinis o tumataas ang presyon.
 
Ito ay isa lamang sa mga personal na paraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay.
 

Aktibidad: ‘Exhale, Inhale’

Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na turuan ang mga nagbibinata/nagdadalaga ng isang simpleng paraan upang mabawasan o mapangasiwaan ang stress.
 
Pamaraan:
Ituturo ng guro ang konsepto ng paghinga ng malalim bilang isang stratehiya sa pagbabawas ng stress na maaaring gamiting kasanayan upang pansamantalang kayanin ang mga kakaharaping stress.
 
Ang mga mag-aaral ay tatayo nang komportable at may espasyo sa bawat isa.
1. Tumayo nang matuwid.
2. Irelaks ang kamay, balikat at katawan
3. Ipikit ang mga mata.
4.  Magpokus sa ibabang bahagi ng tiyan
5. Unti0unting lumanghap ng hangin gamit ang ilong; panatilihin ng ilang segundo
6. Dahan-dahan huminga palabas mula sa bibig na tila umiihip ng kandila.
 
*Ilagay ang kamay sa ibabaw ng tiyan at tiyaking ang ibabang bahagi nito ay maramdamang tumataas at bumababa at tiyakin ding hindi humihinga gamit ang dibdib. Gawin nang ilang beses.
 
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng aktibidad na ito? Gumaan ba ang iyong pakiramdam?
2. Naniniwala ka bang makatutulong ang paghinga ng malalim sa pagbawas ng stress?
 
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
 
Kaugnay:

Add new comment

Sponsored Links