Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng plano upang manatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata
Ang mga hindi nagagamot at nareresolbang isyung pangkalusugan ay maaaring magresulta sa mga suliraning nagtatagal.
Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa mga ito at makapagsagawa ng plano upang mapaghandaan ito, maiwasan, o mapangasiwaan.
Aktibidad: “Ang Aking Plano upang Manatili ang Aking Kalusugang Pangkaisipan”
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong tumulong sa mga nagbibinata/nagdadalaga na makagawa ng sariling plano ukol sa nasabing paksa.
Materyales:
papel, bond paper o yellow paper
Pamamaraan:
Batay sa mga kaalamang natutunan sa araling ito, gumawa ng maikling sanaysay ukol sa iyong plano kung paano mo mapapanatili ang iyong kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahalaga ba ang paggawa ng plano upang mapanatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga. Ipaliwanag ang sagot.
2. Anu-ano ang mga natutunan mo sa mga ginawa mong plano?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment