Tips Kung Paano Makaiiwas sa Seksuwal na Pang-aabuso
ni Jens Micah De Guzman
Marami ang mga kaso ng seksuwal na pang-aabuso, at ang kadalasang biktima ay ang kabataan. Napakarami ngayong nang-aabuso—mga hindi kakilala o maging mga kakilala, gaya ng kapitbahay, kaibigan, o kapamilya.
Narito ang ilan sa mungkahi kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili.
1. Ugaliing maging alerto.
Lalo na kapag nasa labas, dapat maging alerto sa mga nagaganap sa paligid. Alamin ang mga lugar na delikado lalo na kung gabi. Iwasang dumaan sa gayong mga lugar o kaya ay tiyaking may kasama ka.
2. Iwasang makapagbigay ng maling impresyon.
Huwag manamit nang napakaseksi. Iwasang mag-flirt sa anumang paraan. Baka isipin ng iba na sadya kang nang-aakit o kaya naman ay okey lang sa iyo kapag niyaya kang makipagtalik.
3. Magtakda ng limitasyon.
Kung ikaw ay may kasintahan, mahalagang pag-usapan ninyo kung ano ang mga limitasyon sa inyong relasyon. Umiwas din sa mga alanganing sitwasyon para hindi ka mapagsamantalahan.
4. Maging prangka.
Halimbawa, huwag mangingiming sabihin, “Tumigil ka!” o “Alisin mo iyang kamay mo!” Tandaan na ang nararapat sa iyo ay isang kasintahan na igagalang ka at ang iyong paninindigan.
5. Maging responsable at maingat sa pag-i-Internet.
Iwasang basta-basta magbigay ng personal na impormasyon o mag-post na magbibigay ng ideya sa iba kung nasaan ka. Mas makabubuting huwag mag-reply kapag nakatanggap ng mahalay na mensahe. Liksihan ang pakiramdam—huwag kakagat sa pain ninuman.
6. Huwag kalilimutang manalangin bago lumabas ng tahanan.
*Batay sa isang bahagi ng artikulong "Paano Ko Mapoprotektahan ang Sarili Ko sa Seksuwal na Pang-aabuso?" ng jw.org.