Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng mind map tungkol sa mga paraan upang magkaroon ng sikolohikal na kaayusang pangkatauhan.
Ang sikolohikal na Kaayusang Pangkalusugan ay mahalaga dahil hinahayaan nitong magkamit ang isang tao ng kasiyahan at kapanatagan na tumutulong upang makaganap na mabuti sa mundo.
Binibigyan nito ang tao ng mas malaking abilidad na pamahalaan ang kaniyang saloobin, damdamin, at pag-uugali.
Pinapanatili nito ang mabuting relasyon sa iba, at nakatutulong sa pagtatakda at pagkakamit ng mga layunin at paghahanap ng kahulugan at layunin sa mga gawain.
Sa mga nagbibinata/nagdadalaga, ito ay makakatulong sa kanila upang umunlad sa buhay at nag-iingat sa kanila laban sa mga hamon na maaring bumangon sa yugtong ito.
Ang mga nagbibinata/nagdadalaga na may malakas na mental na kalusugan ay nakakapamahala sa kanilang mga emosyon, nagtatamasa ng mga positibong relasyon sa mga kaibigan at pamilya, nakakaganap nang mabuti sa paaralan, nakakalahok sa ibat ibang aktibidad na interesante sa kanila, at may positibong pananaw sa hinaharap.
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na maturuang gumawa ang mga mag-aaral ng mind map ukol sa pagkakaroon ng sikolohikal na kaayusang pangkatauhan.
Materyales:
Kung sulat kamay - Papel o bond paper, Panulat (ballpen o iba pang kagamitang magpapaganda ng mind map)
Kung ikocomputer – computer, Papel na paglilimbagan, printer
Pamamaraan:
Gumawa ng iyong sariling mind map tungkol sa paksa.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahirap bang gumawa ng mind map para sa nasabing paksa?
2. Anu-ano ang natutunan mo sa gawaing ito?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment